Frequently Asked Questions (Tagalog)
Pindutin ang kada tanong para makita ang mga sagot…
ECONOMIC LIBERALIZATION
1. Ano ang ibig sabihin ng pag-alis sa probisyong 60/40 sa ating Saligang Batas ng 1987?
Ito ay ang pagbura ng Article 12 Sections 9 to 11 at iba pang mga probisyon kung saan nakalaan ang mga restriksyon sa pag-aari ng kumpanya ng mga dayuhan. Ito ang mga halimbawa ng mga restriksyon na nasa konstitusyon:
ARTICLE XII National Economy and Patrimony
SECTION 9. The Congress may establish an independent economic and planning agency headed by the President, which shall, after consultations with the appropriate public agencies, various private sectors, and local government units, recommend to Congress, and implement continuing integrated and coordinated programs and policies for national development.
Until the Congress provides otherwise, the National Economic and Development Authority shall function as the independent planning agency of the government.
SECTION 10. The Congress shall, upon recommendation of the economic and planning agency, when the national interest dictates, reserve to citizens of the Philippines or to corporations or associations at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens, or such higher percentage as Congress may prescribe, certain areas of investments. The Congress shall enact measures that will encourage the formation and operation of enterprises whose capital is wholly owned by Filipinos.
In the grant of rights, privileges, and concessions covering the national economy and patrimony, the State shall give preference to qualified Filipinos.
The State shall regulate and exercise authority over foreign investments within its national jurisdiction and in accordance with its national goals and priorities.
SECTION 11. No franchise, certificate, or any other form of authorization for the operation of a public utility shall be granted except to citizens of the Philippines or to corporations or associations organized under the laws of the Philippines at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens, nor shall such franchise, certificate, or authorization be exclusive in character or for a longer period than fifty years. Neither shall any such franchise or right be granted except under the condition that it shall be subject to amendment, alteration, or repeal by the Congress when the common good so requires. The State shall encourage equity participation in public utilities by the general public. The participation of foreign investors in the governing body of any public utility enterprise shall be limited to their proportionate share in its capital, and all the executive and managing officers of such corporation or association must be citizens of the Philippines.
2. Bakit natin kailangang tanggalin ang probisyong 60/40 sa ating Saligang Batas ng 1987?
Ito ay dahil ang mga batas na pamantayan sa pagnenegosyo dito sa Pilipinas ay nakaugat sa nasabing mga restriksyon sa konsitusyon. Kahit anong batas na gagawin para buksan ang bansa sa mga dayuhang negosyo ay labag sa pamantayan sa Saligang Batas. Kaya kailangang tanggalin ang mga probisyong ito para mabigyan daan ang mga batas na pang-akit sa mga malalaking mga negosyante, maging lokal man o dayuhan.
3. Anong mga patunay na ang pag-alis ng probisyong 60/40 ay makabubuti sa ating lahat?
Ayon sa taong 2018 na datos ng Department of Trade and Industry (DTI), ang mga maliliit na negosyo (MSME) ang bumubuo ng 99.52% ng mga negosyo sa Pilipinas. Ngunit 5.7M lang ang bilang ng mga trabaho na binuksan ng mga ito at 25% lamang ang nilikhang porsyento ng kita mula sa exports. Ito ang magpapatunay na ang pagsasarado sa buong bansa sa mga dayuhang negosyo ay hindi nakakabuti dahil kokonti lamang ang sinasahurang empleyado at kokonti din ang kita ng bansa mula sa mga ito.
Ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ay naglabas din ng mga pagsaliksik tungkol sa pangangailangan ng Pilipinas ng Foreign Direct Investors para buhayin ang kanyang ekonomiya. Isa sa mga saliksik ay nagsasabing:
“With the decline in commercial bank loans and foreign aid, developing countries like the Philippines have to rely more on foreign direct investment to sustain their economic growth.”
– FOREIGN DIRECT INVESTMENT IN THE PHILIPPINES: A REASSESSMENT (1994) BY RAFAELITA A. MERCADO-ALDABA
At mayroong mga iba’t ibang pagsaliksik na ginawa sa buong mundo kung saan ang konklusyon at mga pahayag ay tinuturo ang konstitusyon bilang isa sa mga pinakamalaking balakid sa pagpasok ng dayuhang negosyo sa bansa. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
The World Bank Group (November 2018)
The qualitative data underlying the PMR (Product Market Regulation) indicators reveals Barriers to FDI due to constitutional and legislative limitations on foreign participation in key sectors and economic activities that limit competition and could raise input costs for Philippine firms.
OECD INVESTMENT POLICY REVIEW: PHILIPPINES 2016 (LATEST STUDY)
Reforming the Constitution, or charter change, has been discussed for almost as long as the 1987 Constitution has been in existence, and calls for change are widespread – from within government, the media, local and foreign chambers of commerce, not to mention internationally from partner countries and international organisations. This first OECD Investment Policy Review of the Philippines adds its voice to this chorus…
2019 Statement of the Joint Foreign Chambers of the Philippines
We welcome this opportunity to provide our position on these restrictions. In sum, our position is to remove all restrictions in order to open the Philippine economy more to foreign investors and foreign professionals. We no longer support the “unless otherwise provided by law” proposal because the current Administration and Congress are proposing major political and economic amendments to the Constitution.
Lahat ng ito ay sapat na katibayan na kailangan talaga ng Pilipinas ang pagbubukas sa mga Foreign Direct Investors.
4. Paano mababago ng liberalisasyong pang-ekonomiya ang ating mga buhay?
Ang bagong makasanayan ng mga Pilipino dito sa bansa ay isang kapaligiran na abunda sa mga trabaho at mga negosyo. Mas may pagkakataon na tayo na mabawasan ang katamaran, pagtatambay, at pagpasok sa mga illegal na gawain dahil mas marami ang ang oportunidad ng marangal na hanapbuhay. Hindi na kailangang mag-OFW at maging malayo sa kanilang mga pamilyang nasa Pilipinas ang milyu-milyong Pilipinong nasa labas ng bansa ngayon dahil sa kakulangan ng trabaho sa Pilipinas. Kapag natuloy ang pag-tanggal ng mga 60/40 at ibang mga sagabal sa pagpasok ng foreign investors ang trabaho ang lalapit sa mga Pilipino.
5. Marami ba sa Pilipino ang likas na magaling sa negosyo?
Ayon sa 2015 na pagsasaliksik na ginawa ng Global Entrepreneurship Monitor Consortium, rating 2 lamang ang lakas-loob ng mga Pilipino na mag negosyo. Kaya hindi likas sa mga Pilipino ang pagnenegosyo sa ngayon. Kailanga munang dumami ang mga trabaho upang ma-udyok ang mga manggagawa na magsimula ng sariling mga negosyo.
6. Bakit mayaman ang Estados Unidos, Tsina at Canada?
Ang mga bansang ito ay bukas sa pangangalakal at pagnenegosyo kaya nakapagimpok sila ng napakaraming pera pangtustos sa pangangailangan ng kanilang mga bansa.
7. Bakit kailangan natin ng mga dayuhang mangangalakal? Hindi ba pwedeng palakasin natin ang sarili nating mga industriya?
Tatlong dekada na mula sinimulan muli ang pagbabangon ng ating mga sariling mga industriya. Kitang kita na kulang ang ating bansa sa puhunan at kaalaman na patakbuhin ang mga industriyang ito. Ang ginawa ng ibang bansa, tulad ng China, Vietnam at Indonesia, ay binuksan muna nila ang kani-kanilang mga bansa sa mga Foreign Direct Investors, nagkaroon sila ng mas maraming pera na pambuhos doon sa kanilang mga sariling mga industriya.
8. Totoo bang sasakupin tayo ng mga Instik kapag tinanggal ang probisyong 60/40 sa Saligang Batas?
Walang bansang nagbukas ng kanilang ekonomiya sa mga dayuhang negosyante ang sinakop ng mga Intsik. Sa katunayan, ang pagdami ng mga Chinese Investors sa ating bansa ay isa sa mga bunga ng mga restrictions sa ating konstitusyon dahil karamihang malalakas ang loob na mag-invest sa gitna ng mga constitutional restrictions ay mga Intsik at nababara tuloy ang ibang mga investors mula sa iba pang mga bansa.
9. Magiging susi ba ng propaganda ang media companies kapag binuksan ang industriya sa dayuhang mangangalakal?
Lahat na klase ng mass media ay daan para gamitin sa personal na propaganda. Kahit mass media na pag-aari ng pamahalaan ay pwedeng gamitin ng nakaupong administrasyon para itulak ang sariling agenda. Pero mas maibsan ang talamak na paglaganap ng propaganda kung may mahigpit na kakompetisyon ang mga mass media.
Maaari ring ipagbawal ang pribadong pagpapatakbo ng mass media kung ang nakaupong administrasyon ay pinagkakatiwalaan ng husto ng mga mamamayan.
10. Paano ang Pambansang Seguridad at kalikasan kapag pahihintulutan ang mga dayuhang mangangalakal?
Ang mandato ng ating sandatahang lakas ay bantayan ang ating pambansang seguridad kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan. At ang Kagawaran ng Kalikasan naman, na siyang kapangyarihan ay ibabahagi na sa mga rehiyon, ay may responsibilidad na bantayan an gating kalikasan.
FEDERALISM
1. Ano ang Federalismo?
Ang Federalismo ay isang istruktura ng pangangasiwa ng teritoryo ng isang bansa kung saan may dalawang antas ng pamamahala: ang Federal (National) Government at ang Regional Government. Ang Regional Government ang tutugon sa mga isyung pangrehiyon samantalang ang Federal (National) Government ang tutugon sa isyung pambansa.
2. Bakit natin kailangan ang Pederalismo?
a) GEOGRAPHICAL MAKE-UP
-
- ARCHIPELAGO – dahil watak-watak ang landscape ng Pilipinas, kailangan natin ng sistema kung saan ang isang grupo ng mga isla ay pangangasiwaan ng isang regional government upang mas madaling matugonan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng healthcare services, social welfare, urban planning and development, atbp.
-
- DIVERSE LAND AND WATER FORMATIONS – dahil sa laki ng Pilipinas, may iba’t ibang klaseng mga economic activity na kailangang itumbas sa klase at hugis ng lupa sa mga isla. May kaibahan rin sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bawat rehiyon. Ang mga regional governments ay mas malayang makapagdesisyon sa kung anong klaseng ekonomiya ang angkop sa rehiyon nila sa ilalim ng Federalismo.
b) ETHNOLINGUISTIC DIVERSITY
Ang Pilipinas ay may 180+ ethnolinguistic groups na kailangang galangin ng bawat Pilipino. Sa ilalim ng Federalismo, ang mga pagkakaiba ng mga katutubong grupo ay mabibigyan ng kasarinlan at maaalagaan pa ito ng husto ng regional government.
3. Ano ang kaibahan ng Federalismo sa desentralisasyon sa ilalim ng 1991 Local Government Code?
Ang Local Government Code (LGC) 1991 ay nagbibigay lamang ng kapangyarihan sa mga Local Government Units (LGU) na kumolekta at gumawa ng sariling mga paraan para makakuha ng karagdagang kita para sa mga serbisyong pampubliko.
4. Anong modelo ng Federalismo ang angkop para sa bansa?
Ang standard model ng Federalismo na dapat susundin ng Pilipinas ay:
ASSYMETRIC FEDERALISM kung saan ang mga rehiyon na mahihirap ay hindi muna bibigyan ng kumpletong awtonomiya dahil kailangan pa nila ang ayuda galing sa national government samantalang ang mga mayayaman na rehiyon ay agarang bigyan ng awtonomiya dahil kaya na nilang suportahan ang mga sarili nila.
EVOLVING FEDERALISM kung saan ang mga mamamayan na naninirahan sa loob ng rehiyon ang magdedesisyon kung ano ang kabuuan ng rehiyon na gusto nilang kabibilangan.
5. Paano ang kalakaran sa mga rehiyon, probinsya at lungsod sa ilalim ng modang Federalismo?
Ang Provincial Government at ang Barangay ay magiging optional na lamang sa ilalim ng bagong sistema. Ang pinakaimportanteng mga antas ng pamamahala ay ang REGIONAL GOVERNMENT at ang LGU. Ang Regional Government ang mangangasiwa sa lahat ng mga Regional Departments tulad ng BIR, DA, DepEd, DOH, DTI, DSWD, atbp. Samantalang ang LGU naman ang mangangasiwa sa lahat ng mga isyu sa mga munisipalidad tulad ng basura, atbp.
6. Kapag mag Federal-Parliamentary tayo, tuluyan bang maalis ang mga problema sa Pilipinas?
Walang magic pill or silver bullet para sa mga problema sa Pilipinas dahil ang mga problema sa Pilipinas ay napaka kumplikado at kailangan nito ng kombinasyon na solusyon. Ang panukala ng CoRRECT Movement, PDP-Laban, Centrist Democratic Party at People’s Draft ay kombinasyon ng tatlong reporma (Economic Liberalization, Evolving Federalism and Parliamentary System) bilang lundagan ng Pilipinas para masolusyonan ang iba’t ibang mga problema.
7. Lulubha ba ang mga political dynasty at warlordism sa Pilipinas sa ilalim ng modang Federalismo?
Hindi, dahil ang mga political dynasty at warlords sa Pilipinas ay bunga ng kasalukuyang sistema na isang Unitary Presidential system na restricted to Foreign Investors.
POPULARITY CONTEST – sa ilalim ng kasalukuyang sistema ng Pilipinas, ang mga kandidato ay isa-isang binoboto sa posisyong tinatakbuhan kaya ang resulta ay nagiging paligsahan ito ng kasikatan at yung mga hindi masyadong sikat ay bumabayad para magpasikat.
POVERTY – ang mga mahihirap na botante ay hihikayat na iboto ang mga pangalan ng mga sikat na mga mayayamang kandidato upang mahingan ng tulong matapos ang eleksyon.
TERM LIMITS – dahil limitado ang bilang ng mga eleksyon na pwedeng salihan ng mga pulitiko, ang nangyayari ay pinapakandidato nila ang kanilang mga kamag-anak.
OVERCENTRALIZATION – ang sistema ng pagkokolekta at pamamahagi ng pondo sa ngayon ay nakasentro sa national government.
8. Do-doble ba ang buwis na babayaran ng taumbayan?
Hindi kaakibat ng Federalismo ang pagkakaroon ng dobleng buwis. Sa katotohanan ay nagkakaroon ng iba’t ibang antas ng pagbubuwis sa ilalim ng kasalukuyang sistema, Unitary-Presidential dahil ang bawat antas ng pamahalaan ay kinailangang kukuha ng mapagkakakitaan dahil ang karamihan ng buwis ay napupunta sa sentralisadong pamahalaan.
Sa datos sa mundo ay nangyayari din na may ilang mga bansang gumagamit ng Federalismo kung saan mas mababa ang kanilang buwis kaysa sa mga Unitary na bansa. Ang mga halimaba nito ay ang Malaysia kung ikumpara sa Pilipinas at ang Switzerland kung ikumpara sa Sweden.
9. Paano ang mga mahihirap na probinsya sa ilalim ng modang Pederalismo?
Ang kaakibat na panukala sa constitutional reforms ay ang pagtanggal ng Foreign Investment restrictions sa ating konstitusyon. Ang pagtanggal sa mga restriksyong ito ay magbibigay daan upang maamyendahan ang mga batas para sa pamumuhunan sa bansa kung saan maging mas kaakit-akit tayo sa mga dayuhang mamumuhunan. Ang dagdag investors sa ating bansa ang pwedeng akitin ng mga regional governments upang magbukas ng kanilang mga negosyo sa mga malalayong rehiyon, depende sa angkop sa kanilang economic activity.
Walang magic pill or silver bullet para sa mga problema sa Pilipinas dahil ang mga problema sa Pilipinas ay napaka kumplikado at kailangan nito ng kombinasyon na solusyon. Ang panukala ng CoRRECT Movement, PDP-Laban, Centrist Democratic Party at People’s Draft ay kombinasyon ng tatlong reporma (Economic Liberalization, Evolving Federalism and Parliamentary System) bilang lundagan ng Pilipinas para masolusyonan ang iba’t ibang mga problema.
PARLIAMENTARY SYSTEM
1. Ano sistemang Parlamentario?
Ang sistemang ito ay porma ng gobyerno kung saan ang sangay ng ehekutibo ay nananatili sa pagseserbisyo base sa tiwala ng lehislatura. Ang salitang “parliamentary” ay nangangahulugan na LEHISLATURA.
2. Bakit natin kailangan ang sistemang Parliamentario?
Ito ay dahil ang Pilipinas ay patuloy na nagdudusa sa ilalim ng talamak na korupsyon, kawalan ng kakayahan sa paggawa at pagpapatupad ng batas at pabago-bagong direksyon ng polisiyang pang-ekonomiya.
3. Ano ang kaibhan nito sa kasalukuyang sistemang Presidensyal?
Ang presidential system ay porma ng gobyerno kung saan ang sangay ng ehekutibo ay nananatili sa pagseserbisyo base sa tiwala ng presidente. Samantalang ang sistemang parliamentario naman ay porma ng gobyerno kung saan ang sangay ng ehekutibo ay nananatili sa pagseserbisyo base sa tiwala ng lehislatura.
Presidential = depende sa president
Parliamentary = depende sa lehislatura
4. Anong modelo ng sistemang Parlyamentaryo ang mainam para sa bansa?
Ang Westminster model ng United Kingdom na ginagamit din ng Australia, Canada, Singapore, New Zealand, India, at Malaysia, ang angkop para sa Pilipinas dahil ang mekanismo nito ay kailangang magkaroon ng Shadow Cabinet system kung saan ang oposisyon ay kailangang magtalaga ng mga katunggali ng mga kalihim ng pamahalaan upang busisihin ang trabaho ng mga ito. Kung gagamit tayo ng Westminster model, mabilis na mapepwersa ang pag-develop ng mga malalakas at matitinong partido at mawawala ang mga nanggugulo at pawang saling-pusa lamang.
5. Paano babaguhin ng sistemang Parliamentaryo ang kalakaran sa pamahalaan?
Sa halip na hiwalay na sangay ang executive branch, mapapasaloob na ito sa kamara ng legislative branch. Ang hanay ng mga kalihim sa gabinete ay mga mambabatas na kapartido ng umuupong punong ehekutibo, ang Prime Minister (Punong Ministro).
6. Maalis ba po ang mga problema sa Pilipinas kapag nagpalit tayo sa sistemang Federal-Parliamentary?
Walang magic pill or silver bullet para sa mga problema sa Pilipinas dahil ang mga problema sa Pilipinas ay napaka kumplikado at kailangan nito ng kombinasyon na solusyon. Ang panukala ng CoRRECT Movement, PDP-Laban, Centrist Democratic Party at People’s Draft ay kombinasyon ng tatlong reporma (Economic Liberalization, Evolving Federalism and Parliamentary System) bilang lundagan ng Pilipinas para masolusyonan ang iba’t ibang mga problema.
7. Sistemang Parliamentary ba ang ginamit noong panahon ni Ferdinand Marcos (1972-1981)?
Hindi. Ayon sa Article 7 ng final draft ng 1973 constitution:
“The President shall have control of the ministries.”
Ibig sabihin, ang presidente ang siyang mangangasiwa sa gabinete ng Punong Ministro. Kalaunan ay siya na rin ang magtatalaga at magtatanggal ng mga myembro ng gabinete. Sa tunay na Parliamentary System, ang mga myembro ng gabinete ay inaappoint at tinatanggal ng Punong Ministro at ng kanyang partido, HINDI ng Presidente.
8. Hindi ba magsusuhulan lang ang mga politiko para maipasa ang mga batas?
Hindi na kailangang magsuhulan para maipasa ang mga batas dahil nasa loob na mismo ng lehislatura ang nakaupong administrasyon. Kung ano ang mga panukalang batas mula sa ehekutibo o sa iba pang mga mambabatas ay direkta na itong mapagtatalunan dahil nasa iisang kamara nalang silang lahat.
9. Hindi ba magsasabuwatan lang ang mga politiko para pumili ng Punong Ministro?
Hindi, bagkus ay mababawasan pa ng husto ang sabwatan sa pagpili ng Punong Ministro at gabinete dahil ang bawat partido o pangkat na nakasungkit ng pwesto sa lehislatura ay maghihikayat na sila ang makaupo bilang administrasyon ng gobyerno.
10. Paano kung pare-parehong korap lang ang mga kandidato ng partido?
Sa sitwasyong ganito ay mas lalo pang mapadali ang tanggalan ng mga kurakot sa lehislatura sapagkat ang bawat partido ay may boses na upang ilantad ang kalokohang ginagawa ng isa’t isa. Kung lahat sila ay may korupsyon na ginagawa, kalaunan ay mauubos silang lahat sa lehislatura at mapapalitan sila ng mga kandidatong malinis at walang bahid galing sa ibang partido.
11. Hindi na ba direktang makapaghahalal ng Pangulo ang taumbayan?
Sa sistemang parliamentario, maari pa ring iboto ng direkta ng taumbayan ang Pangulo. May dalawang paraan ng pag-nominate ng kandidato:
UNA, sa pamamagitan ng bilang ng mga nakaupong miyembro ng mga partido sa lehislatura, ang standard requirement upang makapag-nominate ng kandidato bilang president ay 20% of the total seats or more. Ang kadalasang nangyayari ay may dalawang kandidato, isa mula sa mayurya, at isa mula sa oposisyon.
IKALAWA, sa pamamagitan ng pagkuha mula sa mga hanay ng mga batikang mga Pilipino na binigyan ng gantimapala ng pagkikilala sa kanilang serbisyo para sa bansa. Ang mga halimbawa dito ay ang Philippine Legion of Honor, National Artists, at mga ex-officio members ng Supreme Court.
12. Mawawala ba ang checks-and-balances sa sistemang Parliamentaryo? Paano ang acountability?
Mas lalong lalakas ang checks and balances sa sistemang Parliametario dahil nasa loob na mismo ng kamara ng lehislatura ang executive department kaya direkta nitong mabusisi ang mga ginagawa nito at may kapangyarihan ding tanggalin ang nakaupong Punong Ministro at hanay ng gabinete. Kapag nawala na ng husto ang tiwala ng lehislatura sa mayurya, magrerekomenda ito na lusawin ang buong lehislatura at magpapatawag ng panibagong eleksyon.
13. Sa sistemang Parlamentaryo, walang bang katatagan ang pamahalaan kung papalit-palit ng Punong Ministro?
Mas magigign matatag ang pamahalaan kahit papalit-palit ng Punong Ministro dahil ang pangangasiwa sa pamahalaan ay mapasakamay sa PARTIDO ng mayurya. Ang mga plataporma at polisiya ay hindi papalit-palitan dahil ang pinanggagalingan ng ipapalit ng Punong Ministro ay galing din sa mayurya.
Mapapalitan lamang ang direksyon ng polisya’t plataporma kung mananalo ang ibang partido bilang mayurya matapos magpatawag ng panibagong eleksyon.
14. Paano kung supermajority ang nakuha ng isang partido, kontrolado na ba nila ang pamahalaan?
May tatlong paraan upang pigilan ang pag-aabuso ng mababang kapunongan kung naging supermajority ang pamahalaan:
A) Opposition
Ang mga natalong partido, kahit maliliit ang mga ito, ay mayroon pa ring pangil sa loob ng lehislatura kung saan busisiin at babatikusin nila ang supermajority at madali pa nilang maisumite ang mga polisiyang labag sa konstitusyon sa presidente at korte suprema. Ito ay nangyari sa bansang Singapore, kung saan ang mga natalong partido ay 1/3 na lamang sa lehislatura, ngunit napanatili nilang malinis ang hanay ng namumunong partido sa pamamagitan ng linggu-linggong pagtatanong at pagdedebate.
B) Supreme Court
Ito ang sangay ng kapangyarihan na magpapaliwanag sa konstitusyon at kaya nitong ideklarang labag sa konsitusyon ang anumang pag-aabuso na batas o polisiya na gagawin ng supermajority.
C) Head of State (President)
Ang presidente ang tigabantay ng konstitusyon at pwede niyang i-veto o lusawin ang lehislatura base sa nakalaan sa konstitusyon kung paglalabag itong ginagawa.
15. Paano mababago ng sistemang Parlamentaryo ang ugali ng mga pulitiko?
Ang sistemang Parliamentaryo ay pipilitin ang mga pulitiko na kumilos bilang isang grupo. Kung sa sports pa, ito ang tinatawag na “teamwork”. Sa pagsungkit pa lamang sa pwesto ng Punong Ministro at gabinete, kailangang mag kumpol-kumpol ang mga nanalong pulitiko para maging mayurya. Sa pagbago ng sistema mula sa pagkakanya-kanya patungo sa teamwork, mababago rin ang ugali ng mga pulitiko kung saan hindi na nila iisipin ang kanilang sarili lamang, kundi ang nakabubuti na rin para sa kanilang mga partido. Kalaunan ay mapipilitan silang unahin ang kapakanan ng bansa.
16. Hindi ba kahit anong sistema ng gobyerno ang gamitin, walang mangyayari sa bansa kung hindi papalitan ang taong nagpapatakbo nito?
Ayon sa mga eksperto:
If you put good people in bad systems, you get bad results.
– Stephen Covey, educator, author, businessman, and keynote speaker
A bad system can destroy good people.
– Gary Mottershead, chemical engineer, businessman, entrepreneurial coach
A bad system will beat a good person every time.
– W. Edwards Deming, engineer, statistician, professor, author, lecturer, and management consultant
Behavior is shaped and maintained by its consequences.
– B.F. Skinner, psychologist, behaviorist, author, inventor, and social philosopher
Ayusin ang bulok na 1987 Constitution